DMW Pinalalawak ang Global Network para sa Proteksyon ng mga OFW

12 Viewers

12 Viewers

Patuloy na pinalalawak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang presensya sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong Migrant Workers Offices (MWO) at pagtatalaga ng mga labor attaché upang mapalakas ang proteksyon at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac, nagbukas ang DMW ng mga bagong Migrant Workers Offices (MWO) sa Vienna, Budapest, at Bangkok, na nagdadala sa kabuuang bilang ng mga opisina sa 42. Target ng ahensya na maabot ang 45 MWO bago matapos ang taon. Nagdagdag din sila ng 800 bagong empleyado para mapalakas ang serbisyo at matugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW, lalo na sa repatriation at crisis response tulad ng mga pag-uwi mula sa Sudan, Myanmar, at Middle East.
Plano rin ng DMW na magtayo ng mas malaking Migrant Workers Shelter sa Hong Kong pagsapit ng 2026 na magsisilbi ring training at resource center para sa mga manggagawa. Maglulunsad din sila ng preventive health care programs para sa mga OFW na may health issues, at makikipagtulungan sa TESDA at CHED upang sanayin ang mga Pilipino sa mga trabahong kaugnay ng digital, green, at care economy.
Bukod dito, patuloy rin ang kampanyang OFW Serbisyo Caravan kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maihatid ang tulong at serbisyo sa mga OFW, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. na iparamdam ang malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino sa abroad.
Para sa iba pang impormasyon, read it here: https://www.pna.gov.ph/articles/1262983