Skip to main content
Tips & Resources

Essential Requirements for OFWs: Document Preparation, Translation, and Embassy Approval

Author Image
Elle H.
|11/3/2025

38 Viewers

Essential Requirements for OFWs: Document Preparation, Translation, and Embassy Approval

Isa ka ba sa mga naghahanap ng trabaho abroad? Saktong-sakto at nasa tamang blog ka, Kabayan! Sa blog na ito, ating pag-uusapan ang mga OFW requirements na kakailanganin mo kung balak mong mangibang-bansa.

Para less hassle ang OFW journey mo, kailangan mo munang siguraduhing mayroon ka ng kompleto at tamang documents na ipapasa sa embassy, visa office, o agency (kung ikaw ay under ng isa sa mga DMW-accredited agencies). Makatutulong ang blog na ito upang maliwanagan ka sa mga embassy requirements lalo na kung nangangailangan ito ng certified translation. 

Documents Every OFW Must Prepare

Different countries sometimes need different document requirements, pero ito ang ilan sa mga documents na kailangan mong ihanda kahit saang bansa ka magpunta:

·    

     Translated Marriage Certificate (if applicable)

·       Translated Diploma and TOR

·       Translated PRC License (for professionals)

·       Translated Employment Contract

·       Translated NBI Clearance

·       Translated Passport and Apostille

 

Tip: Kapag hindi sigurado kung mayroon ka ng mga iyan, mas mabuting ihanda sila nang mas maaga para kung sakali mang magkaroon ng aberya, hindi ka na magagahol sa paghahanda ng mga ito.

POEA/DMW and OEC Requirements

Ang Department of Migrant Workers (DMW) ay ang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa lahat ng serbisyo para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa. Sila ang tumitiyak na ang mga recruitment agency ay accredited at hindi scam. Maaari mong tingnan sa kanilang listahan ang mga legal na ahensiya dito: DMW-approved jobs and accredited agencies.

 

Kakailanganin mo ng Overseas Employment Certificate (OEC) na tinatawag ding exit clearance. Ito ay inilalabas ng DMW bilang patunay na verified at lehitimo ang iyong kontrata at maaari ka nang umalis ng bansa para magtrabaho. Bukod pa rito, ang OEC ang nagbibigay sa mga OFW ng exemption sa pagbabayad ng travel tax at terminal fees.

 

Depende sa iyong worker type (first-time, returning, seafarer), medyo nagkakaiba ang kakailanganing documents ng DMW. Ito ang breakdown ng DMW requirements:

Worker Type

Key Requirements

First-time Land-based Hires

- DMW-verified employment contract (original at copy)
- Valid passport (with at least 6 months’ validity)
- Valid visa/work permit (if required by the country)
- Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) / PEOS certificate
- Medical Clearance
- Proof of overseas worker insurance
- Two 2
× 2 photos
- Others as required by the host country

Balik-Manggagawa (Returning Worker)

- Valid passport
- Valid visa / foreign residence permit
- Proof of existing employment / contract renewal or valid jobsite
- Latest payslip or company ID for verification (if the jobsite was changed)

Seafarers

- Updated Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB)
- Valid passport
- Employment contract
- Medical clearance as required by the flag state
- Other maritime certificates as required

 

Para sa iba pang detalye, pumunta lang sa website na ito.

Is a Certified Translation Needed for the Embassy?

Nakadepende ang pangangailangan sa translation sa bansang pupuntahan mo, Kabayan! Kung Ingles ang opisyal na wika ng destinasyon, kadalasan ay hindi na kailangang magpa-translate dahil karamihan sa mga opisyal na dokumento sa Pilipinas ay nakasulat na sa Ingles.

Ang ilang mga bansa naman katulad ng Saudi Arabia, Japan, Korea, Czech Republic, at Prague ay nangangailangan ng translated documents. Dahil hindi Ingles ang primary language ng mga bansang ito, kailangan ang document translation.

Maraming kompanya ang nag-aalok ng document translation services, ngunit karaniwang inaabot ito ng 3–7 business days. Kung hindi ka nagmamadali, ang Lexcode Inc. ay nagbibigay ng mataas na kalidad na translation services. Subalit, para sa mga OFW na kailangang-kailangan na ang mga dokumento, mayroon kaming KabayanXpress na kayang mag-translate sa loob ng 2 oras! Bisitahin lamang ang kanilang mga website para sa inyong pangangailangan, Kabayan!

Sana ay nakatulong ang blog na ito para mas maintindihan ninyo kung ano ang mga requirements sa pagtatrabaho abroad. Kung gusto mo namang malaman kung paano mag-apply ng trabaho abroad, bisitahin mo ang blog na ito.

Share article

#certified translation#documents for ofw#ofw documents#ofw requirements#translated birth certificate#translated diploma#translated marriage certificate#translated tor

How did this article help you?

Loading reactions...

Join the discussion

Loading comments...