Kilala ang mga Pilipino sa pagiging resilient. ‘Yong tipong kahit gaano kahirap ang sitwasyon, nagagawan at ginagawan talaga natin ng paraan. Kung para sa iba, “hindi na kaya”—para sa mga Pinoy, hangga’t may ibang alternatives, kaya pa!
Walang ulam? May asin, toyo, at mantika naman.
Baha sa lugar at kailangang pumasok sa trabaho? May batya na pwedeng gawing bangka.
Walang makuhang trabaho sa Pinas? Walang problema, marami naman sa ibang bansa!
Kaya tama lang na kilalanin natin ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs bilang mga modernong bayani ng bansa. Hindi madaling iwan ang pamilya sa Pinas at pumunta sa ibang bansa para sa dagdag na kita. Para sa mas maayos na trabaho, mas malaking suweldo, pangmatrikula ng mga anak, at pansuporta sa mga mahal sa buhay.

Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2024, mayroong mahinigit na 2.16 milyong Filipinos ang lumalabas ng bansa para makipagsapalaran sa ibang bayan. Pero ang problema? Kulang ang accessible at affordable na document processing agencies/companies sa bansa.
“Mayroon na akong requirements papunta sa Japan.”
“Saan ako pwedeng magpa-translate ng documents? Gaano katagal?”.
“Saan ako makakakita ng murang translation?”
“Can I get a certified translation in the Philippines?”
Masakit na nga sa puso at bulsa ang pag-alis ng bansa, masakit pa sa paa dahil sa haba ng pila!
Pero bakit kailangang tiisin kung mayro’n naman nang KabayanXpress? Ito ay isang translation service by Lexcode na sinimulan para sa mga OFW. Hindi na kailangang pumunta sa office dahil pwedeng i-access ang service via web app. Pumunta lang sa kabayan.lexcode.com para mag-upload ng document na gustong ipa-translate. Pangunahin na ang OFW requirements kagaya ng Apostille, NBI Clearance, PSA, CENOMAR, Medical Certificate, Diploma, at iba pa.
Kayang-kaya mo nang makuha ang certified translation mo as fast as 2 hours! Hindi na kailangang:
- maghintay nang mahigit isang araw,
- pumila dahil pwede mo na itong ipa-deliver door-to-door,
- mag-follow up from time-to-time dahil pwede mong i-track ang progress gamit lamang ang QR code.
At mas mabilis na rin ang verification ng embassy dahil may kasama na itong QR code para ma-access nila ang documents mo digitally.
Sa halip na ilaan sa mahabang pila at pagko-commute para magkaroon ng certified translations ang oras mo, bakit hindi na lang ibigay sa pamilya? Makipaglaro sa mga anak, makipag-bonding sa asawa, at makipagkita sa mga kaibigan bago umalis ng bansa. Kaming bahala sa ‘yong dokumento at mag-focus ka na lang sa pagbuo ng mas matibay na relasyon sa mga taong nasa paligid mo dahil paniguradong mami-miss mo sila paglabas mo ng Pinas.
Hindi na dapat maging masakit sa paa, katawan, at bulsa ang pag-translate ng documents mo, Kabayan! Ginawa ng Lexcode ang KabayanXpress para suportahan ang pangarap mong maging matagumpay sa ibang bansa, sa mas mabilis, mas mura, at embassy-approved na paraan.
Hindi lang ito para sa’yo, kundi para rin sa mga anak, asawa, magulang, at lahat ng umaasa sa’yo.
Kaya para sa mabilis, abot-kaya, at certified translation na puwedeng makuha as fast as 2 hours, kaagapay mo ang KabayanXpress.