Mahigit 300 OFWs, Nabigyan ng ₱11.2M Tulong Pinansyal ng DMW sa Cagayan de Oro

15 Viewers

15 Viewers

Mahigit 308 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakatanggap ng agarang tulong pinansyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW) sa ginanap na pagtitipon sa Cagayan de Oro. Pinangunahan ito ni Usec. Bernard Olalia, kung saan umabot sa ₱11,233,569 ang kabuuang halaga ng ayuda para sa mga biktima ng pang-aabuso, naloko ng illegal recruiters, at mga nagbalik-bansang OFWs.
Kasama sa mga benepisyaryo ang ilang OFWs na piniling dito na sa Pilipinas magtrabaho, pati na rin ang mga dating guro abroad na ngayon ay magsisilbi naman sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng Department of Education. Ang inisyatibong ito ay patunay ng commitment ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na agad na tugunan ang pangangailangan ng mga kababayang overseas workers na nahaharap sa matinding pagsubok.
To find out more, read here: https://www.bomboradyo.com/higit-300-na-ofws-nakatanggap-ng-tulong-pinansyal-mula-sa-dmw