Skip to main content
Tips & Resources

OEC and e-Travel Pass via e-Gov PH | Mas Mabilis at Madaling Proseso para sa OFWs

Author Image
Elle H.
|11/25/2025

26 Viewers

OEC and e-Travel Pass via e-Gov PH | Mas Mabilis at Madaling Proseso para sa OFWs

Matagal na nating ginagamit ang Overseas Employment Certificate (OEC) bilang exit clearance. Pero starting January 1, 2026, papalitan na ito ng bagong OFW e-Travel Pass—isang digital system na mas madali, mas magaan, at mas mabilis na proseso para sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa The Filipino Times. 

Ano ang OEC at Bakit Ito Papalitan? 

Ang OEC ay mahalagang dokumento para makaalis ng bansa ang isang OFW. Ito ang patunay na ikaw ay legal na na-deploy at protektado ng gobyerno 

Pero aminin natin—marami ring naging problema sa lumang sistema, tulad ng mahabang pila, manual verification, at paulit-ulit na proseso. 

Kaya ngayong 2025, nagsimula nang mag-pilot run ang Department of Migrant Workers (DMW) ng bagong OFW Travel Pass bilang kapalit ng OEC. Bahagi ito ng kanilang digital transformation program para gawing mas simple at transparent ang proseso ng paglalakbay ng mga OFWs. 

Ano ang OFW Travel Pass? 

Ang OFW Travel Pass, na tinatawag ding e-Travel Pass, ay digital version ng dating OEC. 

Makukuha ito online sa pamamagitan ng eGovPH app. Sa halip na papel na OEC, ngayon ay QR code na lang ang gagamitin. Kapag nag-register ka sa app, makikita mo ang iyong profile, deployment record, at digital clearance 

Iyon na ang ipapakita mo sa airport pag aalis ka ng bansa, ayon sa The Global Filipino Magazine. 

Mas madali at mas magaan dahil online na lahat. Wala nang pila, at puwede mo nang asikasuhin kahit nasa bahay ka. 

Pilot Run at Implementation Date 

Ngayong 2025, nasa pilot run pa lang ang e-Travel Pass. Ayon sa DMW, mahigit 70,000 OFWs na ang nakagamit ng system habang tine-testing pa ito bago ang full rollout. 

Ang full implementation ay naka-schedule sa January 1, 2026, at lahat ng aalis na OFWs ay gagamit na ng e-Travel Pass sa halip na OEC. 

Sa ngayon, hinihikayat ng DMW ang lahat ng OFWs na mag-register na upang maging familiar sa bagong sistema habang may transition period pa. 

May be an image of 4 people, map and text

Photo from: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1110793177887813&set=pcb.1110793774554420

Paano Mag-Register sa e-Travel Pass 

Narito ang step-by-step process para makuha ang iyong digital Travel Pass: 

  1. Pumunta sa egov.ph o i-download ang eGovPH app sa Google Play o App Store. 

  1. Gumawa ng account gamit ang valid email at mobile number. 

  1. Piliin ang DMW sa listahan ng National Government Agencies. 

  1. Sa ilalim ng DMW section, i-click ang “Balik Manggagawa” o “OFW Travel Pass.” 

  1. I-fill out ang employment details at siguraduhing updated ang DMW records. 

  1. Kapag verified na, ikaw ay makakakuha ng digital Travel Pass QR code, at ito na ang bago mong exit clearance, ayon sa OWWA Member guide. 

Proteksiyon at Seguridad 

Marami ang nagtatanong: kung online na lahat, ligtas pa ba ang mga OFWs? 

Ayon sa DMW, mananatiling secure ang system laban sa illegal recruitment. May built-in verification system para matiyak na legit ang agency at employer, at ang data ng mga OFWs ay naka-encrypt at hawak ng gobyerno, ayon sa ulat ng The Filipino Times. 

Para sa Mga Hindi Tech-Savvy 

Kung hindi ka pa sanay sa online registration, don’t worry! Puwede ka pa ring mag-walk in sa pinakamalapit na DMW office upang magpatulong mag-register o mag-process ng Travel Pass. 

Habang hindi ka pa nakakapag-online registration, maaari ka pa ring kumuha ng OEC manual, pero tandaan, hanggang bago mag-2026 na lang ito, ayon sa OWWA Member. 

Mga Benepisyo ng Bagong Sistema 

Narito ang main benefits ng e-Travel Pass para sa mga OFWs, ayon sa Assistance.ph:

✅ Mas mabilis — online na lahat, no more long lines. 
Mas magaangamit lang ang app o website. 
Mas secure — verified ng DMW ang agency at employer. 
Mas transparentmadaling i-track ang status ng application. 
Mas integratednaka-link sa iba pang government services via eGovPH. 

Paano Makatutulong ang KabayanXpress sa Pagproseso ng Iyong Mga Dokumento 

Bukod sa e-Travel Pass, kailangan pa rin ng mga OFWs ng certified document translation para sa mga embassy requirements, tulad ng visa, employment contract, at birth certificates. 

Dito pumapasok ang KabayanXpressang mabilis, mura, at embassy-approved certified translation service ng Lexcode na tumutulong sa mga OFWs upang makompleto ang kanilang legal document translations nang walang abala. 

Mas mabilis, mas abot-kaya, at siguradong embassy-certified. Perfect na perfect ito sa bagong digital system ng DMW. 

Share article

#dmw#egov#egovph#oec#ofw#ofw pass#ofw travel pass#travel#travel pass#traveler

How did this article help you?

Loading reactions...

Join the discussion

Loading comments...