PH, Croatia Agree on “No Placement Fee” for Filipino Hospitality Workers

12 Viewers

12 Viewers
Pinagtibay ng Pilipinas at Croatia ang isang kasunduang layuning mas mapabuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW). Kabilang sa bagong napagkasunduan ang pagpapatupad ng no placement fee policy at pagbubukas ng 435 trabaho sa hospitality sector sa ilalim ng government-to-government pilot hiring program. Kasama rin dito ang pagpapadali ng pagkuha ng work permits at residence cards at mas maayos na Pre-Departure at Post-Arrival Orientation Seminars (PDOS at PAOS) upang mapabilis ang proseso para sa mga aplikante.
Nilagdaan nina Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Jainal Rasul Jr. at Croatian State Secretary Ivan Vidis ang kasunduan sa DMW Head Office sa Mandaluyong, kasabay ng Philippines–Croatia Friendship Week. Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nagpapasalamat ang gobyerno ng Pilipinas sa tiwala ng Croatia sa mga manggagawang Pilipino at sa pagpapatupad ng fair at transparent hiring practices. Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 12,000 Pinoy workers sa Croatia, Slovenia, at Slovakia, kung saan ang karamihan ay nasa hospitality, construction, at service industries.